Tulang Muntikan Ko nang Ibigay Sa’yo
Sa bawat umagang
Landas nati’y nagsisiping,
Sa bawat kinabukasang
Sa buhay ko’y ika’y dumarating,
Kung maaari lamang ialay
Itong aking mga mata
Nang iyo ring maitanong
Kung ang “ikaw” ay totoo ba!
Damhin mo ang eksena:
Mahangin, nakatayo tayong dalawa
Mata ko’y bihag ng iyong imahe.
Ang buhok mong nakasintas
Sa ihip ng hangin nakikikumpas.
Ang malambot na hagkan ng iyong balat,
‘Di ko man dama, imahinasyon ko’y mulat.
Ang mga silip ng mapaglaro mong mga mata,
Dinulot sa aki’y kay tamis na sumpa!
Ang mapula’t basa mong mga labi,
Gusto kong madampi.
Ang hulma’t hubog ng iyong pisngi,
Nais kong minsa’y masagi!
Babaeng totoo ka bang aking panaginip
O totoong ikaw nga’y babaeng panaginip lang?
Pagkat kung ang sabi nila’y walang perpekto sa mundong ganap,
Ang “sila’y” ika’y ‘di pa nahahanap!



Leave a Reply