Ang Tanda Ko Na
Namumula pa ang aking katawan
Mapa-mapa ng alkohol mula sa inuman
Pagkahilo ko’y hindi mapigilan
Lasing mula kagabi hanggang tanghalian
Binuksan ko ang pintuan
At saka tinigna’t pinagmasdan
Ang babaeng hagkan
Ng namamasa kong kumot at unan
Tulog siya’t mukhang pagod dahil sa kagabi
Nakaratay ang kanyang damit sa tabi-tabi
Naalala ko pa nga’t may ibang kasapi
Kaso ‘di ko maisip kung babae o lalaki
Kung aaralin ko nang mabuti
Wala lang naman ang kagabi
“Sige lang,” nga ang kanyang sabi
Habang ang yosi niya’y nakasindi
Chongke rito, juts doon
Inumang maghapon
Pagkatapos, tira sa tapat ng poon
Tinatawanan lang ang panginoon
Ngumiti ako’t sinarado ang pinto
Ulo ko’y sintu-sinto
Tapos biglang napahinto
Sa sahig, may Marlborong ginto
Dinakip ko’t binulsa
Ang hinihitit na sinisinta
May Cricket naman siguro ‘yong puta
Kaya mamaya na siguro ang pagsiga
Kung minsan naisip kong buhay ko’y walang kuwenta
Lahat nakasalalay sa Emping lasa
Ito na marahil ang pinakaparusa
Araw-araw, ginto ang nakikita
Kaya nga’t nang bumaba’t napansin
Ang kalendaryo’t magasin
Bigla akong napatingin
Sa petsa nito’t sa salamin
Isang taon na naman ang nakalipas
Isang taong punung-puno ng malas
May pupuntahan pa ba ang buhay na nawaldas
Sa mga kasalanang walang pumipintas?
Sa pagmumuni kong ito saka ko narinig
Ang aking ina sa malumanay niyang tinig
Sa mga salita niya, ako’y nanginig
“Twelve ka na, anak,” sumbat ng kaniyang bibig.



twelve amputa. ni hindi pa nga ata malapot ano nyan eh.
HAHA
and, of course, YOU would know.
astig …
hahahaha
eto sa tingin ko pinakamalupit na …
hahaha galing ….
MALUPIT!!!!
dose pwede na yan!